date: november 21 - 22, 2009
travel buddies: mitch, gege, jen, mel, yabby and me
pics link:
natuloy din ang aming matagal ng balak! originally our plan was at quezon, pero sobrang liit nalang ng time for preparations at kelangan pa ng pareserve reserve ek-ek. kaya nag decide nalang kame to push it somewhere na di masyado hassle. and voila! research reserch lang, nakaraos din hehehe...
sobrang budget lang talaga ang pera namin. so talagang sa tent lang kame matutulog dahil wala kaming pambayad sa magagandang accomodation, pero kay tatay kris and nanay linda kame nag stay, nag camping at sobrang relaxing ng place. kame lang ang tao.. parang private resort :D

umalis kame ng 3:30 am from bicutan at nakarating ng 10:30 kila tatay kris, actually nag start narin kame ng trekking sa mt. daguldol.
at the summit. dito kame nag luto ng kanin namin. may baon na kame adobo at fried chicken na niluto ko nung gabi pa. sobrang sulit dito! kahit sobrang sakit sa paa! as in masakit sa buong katawan. maglakad ka ba naman ng 4 hrs na paakyat e. masakit pero sulit :D sarap sarap! dapat dito kame mag te tent pero mas gusto namin mag camping sa beachfront :D pero sa totoo lang takot kame akala namin wala kaming kasama sa taas! haha yun lang yun :D
pababa na kame nito at dinaanan namin ang naambon falls or maambon falls? tama ba? di ko maalala hehe.. di masyado malakas ung waterfalls nung punta namin. sobrang taas :D
camping at night! sarap! lahat ng kinakain namin baon namin, syempre luto namin. may dala kaming portable stove :D
~~~~~~~~~~
budgets, how to get there, activities:
food, water, basic needs, etc:
Php 250 each
transpo:
bus - from alabang to lipa batangas = Php 94
jeep - lipa batangas to sakayang ng jeep going to san juan = Php 7
jeep - lipa (sakayan ng jeep) to san juan = Php 53
jeep - san juan to hugom = Php 40
activities:
trekking
registration fee = Php 35 (before kayo umakyat may registration ek ek)
guide = Php 350 + Php 100 (nag dagdag lang kame kasi pinag bitbit kame ni kuya mario)
halo-halo = Php 20 (halo-halo sa taas ng bundok)
swimming
free
camping
Php 100 per head (front beach camping kila tatay kris, dito kame nagluto, naligo, nag inuman, lahat na hehe)
~~~~~~~~~~

1 comment:
ang saya.
Post a Comment