Thursday, August 06, 2009
Paalam at Maraming Salamat President Cory
oo. isa ako sa libo-libong nakipag sik-sikan sa malakas na ulan at biglang iinit na panahon makapag bigay lang ng huling sulyap at respeto kay president cory aquino. after mag salita ni kris, tinext ko na si yabby at pinilit kong samahan ako. sumama din si ate raquel na wala pang tulog at tanghalian. dadaan kasi sa bicutan, so dun nalang kame nag antay. around 12nn nandun na kame. sobrang daming tao. wala ka ng ma pwestuhan. buti nalang pumayag sila na pwede na sa baba ( sa mismong kalsada na dadaanan ) at sobrang tuwang tuwa mga tao, syempre isa narin kame dun kasi nakakuha kame ng magandang spot :D. 2pm na wala pa din, 4pm nasa magallanes na daw?, 5pm malapit na daw.. past 6pm, nagkakagulo na mga tao isa lang sinisigaw "cory", isa lang ang sinesenyas "L" laban sign. pag kadaan sa tapat namin, hinagis ko yung bulaklak na nahingi ni yabby sa isang ale, at medyo napaiyak ako. nakakakilabot, di ko ma explain. kahit si yabby di din nakakuha ng maganda picture dahil kinilabutan daw sya, bukod sa madilim narin. worth it ang anim na oras na pag hihintay compared sa lahat ng nagawa nya sa atin at kung ano na tayo ngayon. she made us proud. proud to be filipino. hindi ko man alam kung pano nag lead si President Cory Aquino noon, nararamdaman ko ang honesty, sincerity at sobrang God fearing na tao sya.
maraming salamat po at paalam.
...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment