Sunday, May 10, 2009

kakaibang experience!

kahapon, I have this photoshoot sched with my office mates. so ang theme e mejo sexy na vintage. first plan is to shoot it outdoor pero kung di ok ang panahon kelangan mag indoor. and kung indoor we're planning to shoot at *****, a 3 star hotel or motel ba? im not sure. pero feeling ko motel sya. and ganto nangyari, nag punta kame sa ***** to inquire kung pwede kumuha ng isang room lang. e anim kame, 4 photographers (james, louie, edgar and yab) and 2 models (ako and arjay (louie's cousin). tina-try namin kumuha ng isa, pero di pwede dapat atlist 2 rooms. so ok pumayag kame. after maki-negotiate sa information,hindi pala nila ako napansin. biglang sabi nung lalaki "ay sir may babae kayo?" so sabi naman namin e hihiwalay naman sya ng room. pero ayaw nila pumayag at kahit anong sabihin namin e ayaw na nilang mag check in kame. so okay, di ko magets kung bakit ayaw nila kung may babae, maybe because masyado silang malalim mag isip :D hehe.. feeling nila gumagawa kame ng porn. nakakatawa. pero nahihiya na ko kasi parang sinisilip pa talaga nila ako sa loob ng kotse. lumakas na ang ulan, and nag hahanap pa kame ng ibang hotel or motel, na maganda ung room, kasi kelangan nila e ung theme na ok. after mag ikot ikot sandali, again pumasok kame ulit sa ***** pero sa likod na kame dumaan. so dalwa kinuha namin at ang alam ng information e 5 lang silang lalaki. di nya ako nakita :D atlast. hehehe.. so safe naman ako nakapasok sa first room. after setting the lights, shoot na. hindi po ito nude ha. as in never din ako nagpakita ng skin. maganda lang talaga yung mga room kaya ok. after sa isang room, kelangan namin lumipat sa kabilang room, ang tanong. pano ako lalabas? e pag lumipat kame ng room makikita ako.

nag bonet and nag jacket ako, pero feeling ko obvious na obvious parin. pag dating sa kabilang room, nag ring ang phone, at tinanong kung may babae kaming kasama. so deny na naman kame. after 3 hours, out na kame and nag usap na ng plan kung ano dapat sabihin or bahala na.. pag baba namin, boom! huli! at yun mahabang usapan na naman ang nangyari. basta ang naririnig ko "e sir di nyo naman maaalis samin na mag isip kung ano ginagawa nyo e". yah right, alam namin iniisip nyo. grr. whatever!

and later on naka alis din kame. pero sobrang kabado at naiiyak na ako ah.. hehehe... at nag additional charge sila, ewan ko kung para saan. pero basta nag violate daw kame. winner tong experience na to! haha! first time ko makapasok dito at ganon pa nangyari. hehe.. pag iisipan ko pa kung mag po post ako ng pic o hindi haha!

grabe, this is one of the most funniest and embarrassing moment na naranasan ko.

...
-__-

1 comment:

glenn said...

hahaha. hi, ang cool ng experience mo. I have the same experience as a photographer.

http://www.glennvon.com/2011/05/my-sogo-hotel-experience.html

-glenn