when: feb. 7, 2009
travel buddies: AI plus
nag tagaytay kame last saturday kahit maulan ok lang we still enjoyed the day. umaraw, i mean tumigil naman ang ulan kahit papano :p
1st stop: mushroom burger for breakfast
nakarating kame at around 7am at ang lakas ng ulan.
sarap ng mami soup nila. last time kasi pumunta kame dun, burger lang kinain ko. e malamig ngayon kaya naisipan ni yabby na mag mami at masarap in fairness! walang pic, nilalamig pa si yabby e.. hehehe
2nd stop: calaruega, perfect place for wedding
ang ganda pala dito sa place na to, no wonder na talagang napupuno ang sched nila for wedding. mga 1 year before the wedding daw dapat mag pareserve ka na kung gusto mo dito. ang ganda at ang solemn ng place ma fi feel mo talaga. :)
3rd stop: bike + horse back riding = exercise
hindi ako nag horse back kasi takot ako at mahal haha! di ko maalala kung magkano pero mahal talaga. kaya nag bike nalang kame ni jaja. sarap mag bike! ang tagal ko narin di nagagawa yun ah! at pinawisan talaga ako :D
4th stop: Leslies. lunch time. bulalo time!
ganda ng view. ganda ng place. i really love the atmosphere. masarap ang food! mabagal nga lang ang service at medyo magulo pero masarap ang food.
5th stop: picnic grove.. ang lamig!
pagdating namin dito muntik pa ako makipag away dun sa babae sa ticket booth. lahat kasi may entrance pati yung driver ng van namin. ang labo??? e may bayad na nga ang parking tapos pati driver kasama sa entrance?? hmm...
dito kame nakapag pahinga talaga at nag laro ng blap! hehehe... winner si alex. ang galing mang goyo!
6th stop: Rowena's. tart, sweets, pasalubong! yum!
ang sasarap talaga ng pasalubong dito. i bought blueberry cheesecake (1 box for 160) and mango tart (1 box for 15o).
and yun! nakauwi na kame :D
...
^-^
Saturday, February 07, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)




No comments:
Post a Comment