Tuesday, February 03, 2009

paglalakbay sa bundok ng antipolo

when: feb. 1, 2009
travel buddies: nanay, tatay, ate dayz, aldrin and yabby



last sunday, nagpunta kame antipolo church to celebrate our parents anniversary (nanay at tatay) and my 2nd year anniversary at tdp (oh yeah! congratulations to me! and thank God may trabaho pa!). nakapunta na ako sa antipolo church before nung college days, alay lakad, pero di kame nakapasok sa loob, holy week that time kaya sobrang madaming tao. at nung sunday luckily i was able to see the church inside and pati yung napakalaking Mama Mary sa taas ng ng church. grabe kakakilabot, sobrang bango at iba yung feeling pag naakyat mo yung taas ng church :) after lightning the candles, pumunta na kame sa aming next destination. sa bahay ng tito ni tatay na kapatid ni lola na nanay ni tatay na lolo nila yabby na kamag-anak soon to be na si lolo junior.

antipolo hills. yan ang alam namin na pupuntahan namin. sumakay kame ng tricycle near church. good for 5 lang pero sige magsiksikan para magkasya kaming anim hehe.. parang tagaytay sa sobrang pataas at pababa. actually may mas stiff pa nga na pababa at paakyat compared sa tagaytay. nakakalula. binaba kame sa paradahan "daw" ng jeep. that is how lolo instructed us, bumaba kayo sa paradahan ng jeep. so kame baba naman. at parang mga naliligaw. ay naliligaw na nga pala. tumawag si tatay. bumili ako ng chips. uminom sa tubig ni ate dayz. nakita si lolo junior. bumili ng pang ulam. at nag umpisa na ang aming paglalakbay.

tatay: san ba?
lolo junior: jan lang, diretso kayo malapit nalang.
tatay: sasakay pa?
lolo junior: hindi na. pero pwede. pero lakadin nyo nalang malapit nalang.


lolo junior, nanay and tatay.
yung bahay na may malaking bintana na may pagka white. yun ang bahay nila.

kame? sige lakad sa tirik na init. makalipas ang isang deretso, isang pababa, isa pang paakyat at isa pang pababa at isa pang paakyat. nakarating narin kame sa malapit na bahay ni lolo junior. ( juice ko buti nalang nakatulong to sa pagtanggal ng mantika namin ni ate dayz.) habang nag lalakad. naisip lang namin. maagang penentensya. at list sulit ang pagpunta sa antipolo diba? parang alay lakad na!


aldrin, ate dayz at ako

pag dating naman sa bahay nila, kung ilan ang na burn na calories, e parang times 2 ng nadagdag samin. ang dami kasing kinain haha!



but you know it was worth it. masarap ang hangin at natagtag ang taba namin and new experience and adventure with my family hehe.. ang pag punta sa bilog na gulod :D

...
^-^

No comments: