Monday, September 08, 2008

muka ba kong kakaiba??!!

ang hirap dito sa pinas pag medyo pumorma ka e parang out of this world ka na.. haller? malayang bansa naman to diba? and yes malayang makapagpahayag na sari sariling pananaw. kaya kayong lalaking dalwang nasa bus sarilinin nyo nalang opinion nyo! **** kayo!

meron na naman akong bagong nagawang crochet cap (pictures sa susunod) and decided to wear it today. bagay naman saken at di ko naman isusuot kung di bagay. color yellow mustard with white blending. ayako sa lahat masyado akong tinitingnan na parang kulang nalang sabihin saken "bakit ganyan itsura mo?". tama na yung tingnan ka once dahil may kakaibang nakita sayo. kaya ayako rin masyado mag suot ng kakaiba kasi nga ayako din maging topic ng mga pasehero ng mrt at bus. tulad nalang kanina sa bus, medyo napikon nga si yabby pero ayako nalang din isipin or pakinggan ang side comment nila. for sure naiinggit kay yabby yun dahil extra pretty ako ngaun! (yan ang confidence! haha) basta yun ang nakakainis dito e.. para kang alien kung maging extra something ka... oh well bahala kayo. inggit lang yan at di nyo mahahanap kung san galing tong cap ko :-p hehe..

teka teka.. naisip ko lang ha? cap lang ang nadagdag saken e ganon na noh? pano pa kaya kung gawin ko lahat ng naiisip ko? pero hello di naman ako parang timang na po porma ng wala sa lugar lalo na andito ako sa republika ng pilipinas. at ayako din mag malinis dahil nag sa side comment din ako sa mga taong nakikita ko "yung kakaiba" pero sinasarili ko naman noh! kaya sana kung may side comment kayo sa taong di nyo naman kilala e sarilinin nyo nalang at wag na wag nyo nalang ipaparinig. baka mamaya may baril or kutsilyo yan.. good luck sa inyo!

...

1 comment:

Jey & Allan said...

hahaha. hayaan mo na yung mga yun. inggit lang yun kc ikaw mei K ka para pumorma. hayaan mo lng sila keep ur chin up! di bale pag-andito ka na mag-ienjoy ka pumorma dito. :)

btw, this is nicely written :)