pag wala akong ginagawa, bukod sa pag p-psp, pag tulog at pagkain, marunong din naman ako mag crochet. hindi lang naman sya pang lola actually talagang hilig ko lang mag tahi. (even using sewing machines and needles) Ever since natuto ako, grade 5 ata yun sa subject na technology home economics (subject na dapat mong karirin kung balak mo mag-asawa pagtapos ng highschool hehehe..) tinuloy tuloy ko na sya. also with the help of my ninang del :).. sya nagturo saken ng mga iba't ibang knots. Natutuwa ako pag nakakagawa ako ng cap, yung waway style, headbands, clothes. etc. yes. nakapag crochet na ko ng mga damit at medyo madami dami narin un. unfortunately di na kasya saken ung iba.
These are my latest crochet headband and cap.

before going bora, marami akong nagawang headbands e. pero binigay ko kay kim (cousin ni albert) kaya ito nalang na picturan ko.. yung cap hehe.. yung pink pangalawang gawa ko na kasi yung ngang dala ko sa bora e binigay ko e gustong gusto ko kaya gumawa ulit ako para saken.. mas pinahaba ko lang at pinakapal :D

I will be posting my new handmade pag meron na.. excited na ko gawan si Isha ng mga crochet clothes!
2 comments:
ang galing! magbusiness ka na!!
gusto ko rin yan! huhuhuhu
Post a Comment