Thursday, May 29, 2008

"__"

lately, parang sobrang dami kong iniisip, aside sa preparations for christening ni isha, still can't finalize where will be the reception and the souvenir :(.. last tuesday, nag away kame ni albert, and i know its my fault. sobrang babaw na kasalanan nya sobrang pinapalaki ko. bakit ba kasi e? di ko rin sure kung bakit.. sorry yabby. naiisip ko rin, parang walang direksyon ang buhay ko! (haha) di naman ako nag da drugs, pero parang hindi ko pa talaga maisip kung ano ba talaga ang gusto ko. sobrang dami pang doubts. May times din na i want to have a baby (instantly, yoko manganak! haha) siguro kasi nakikita ko si isha at ang sarap ng pakiramdam na karga ko sya at nararamdaman ang heartbeat nya (inngitera). pero syempre Lord wag muna ngayon ha, wala pa ko ipapakain e.. hehehe.. i also day dreaming walking in the aisle! kaya minsan nagugulat si yabby sa mga sinasabi ko, tinatakot ko ata. :D i feel really guilty din, sa treatment ko ke yabby, kasi parang sya nalang yung nasasabihan ko tas ganun pa ko. siguro nga praning lang ako ngaun at maraming gustong gawin pero di ko magawa.

isa pang naiisip ko, yung mga taong mahal ko at malapit saken. sobrang miss ko na si ate jill at si papa. si ate jill, di ko na sya nakakausap, siguro sanay lang ako tulad ng dati na halos everyday kausap ko sya at alam ko ang nangyayari sa kanya. si papa naman di ko ma contact, i don't even know what's happening to them last time na nagka bagyo.. gusto ko sya puntahan pero wala pa akong time sa ngaun. nami-miss ko narin yung mga college friends ko. si khawen lalo.. hayy... isa pa pala, pano ko kaya papatinuin ang kapatid ko para di lagi umiiyak si mama sa kanya. buti nalang wala ako sa pulitika kung hindi baliw na siguro ako ngaun.. hehe

No comments: