Monday, December 10, 2007

Bohol 2007 ~~ Nov. 22 - 24, 2007


super late na to pero I really want to share this experience.

First time ko rin mag plane :D, ok naman at di naman ako nabingi or nahilo, yun kasi lagi sinasabi saken, masakit daw sa tenga pag take off ng plane, pero di naman.. Enjoy makita ang manila pag nasa taas ka, parang nasa net ka lang at nag go google earth. ganun talaga itsura nya! pag dating naman ng bohol puro bundok wala masyadong bahay, nakakatakot lang kasi feeling ko talagang ang lapit na nung pakpak ng plane sa mga bundok, pero di naman nadali hehehe..

bohol na kame, panglao beach. Parang wala ka sa Pinas, kasi halos lahat ng tourist imported. iba-iba sila puros imported. Halos kame lang pinoy na tourist at yung mga boholano lang. Kaya sobrang mahal ng food kasi imported din ang presyo.

Land tour. sobrang sulit to! kahit maghapon na kame nag lakbay sulit talga kahit pagod-pagod na. di nga namin napuntahan lahat eh. mejo natatagalan kasi kame sa bawat place. nakapunta kame ng blood compact, baclayon church, tarsier, chocolate hills, hanging bridge, python snake (mini zoo), river cruise, souvenir shops. pagod pero enjoy!

Island Hopping! 5am palang gising na kame, kasi naman sabi ni manong 5:30am daw ang alis para maabutan namin ang mga dolphins. sad to say, ang aga namin pero late ang bangka. naabutan daw ng low tide kaya di na naka alis so kailangan namin maghanap ng bagong boat para makapag island hopping. almost 2 hours din kaming nag hanap ng dolphin pero sa bangka lang namin nakita.. naka drawing sa ibang bangka. badtrip talga. pero na solve naman kame nung nag snorkeling na! grabe super daming fish as in! ung tipong pinapakita sa tv, lahat nandun ang ganda talaga. merong pang part dun na sobrang lalim, di mo na makita ung ilalim ng dagat parang outer space na sa lalim. at may sobrang laking fish na parang kcng laki ko na, pero di naman un shark fish lang daw un.. hehheeh.. tapos pumunta ng balicasag island, dun kame nag lunch, tapos nag punta kame ng virgin island, pero di din kame nag tagal kasi malapit na mag low tide at dapat di kame maabutan kasi di na kame makaka alis dun.

ayun.. ang sarap sa bohol! hehehe...

1 comment:

Jey & Allan said...

ngeek bitin! bwah hahaha