Thursday, July 12, 2007

kalamares? --- box office

do you know kalamares? yung fried na pusit. yesterday, before going to yabby's house, stop over muna sa pwedeng mabilhan ng food. ngaun kasi sobrang uso ang kalamares na tinitinda kahit saan.. as kahit saan talaga. at talagang pinagkakaguluhan, may pila pa kung minsan, lalo na pag bandang 5pm-8pm dahil sa labasan narin ng mga tao. mabibili mo for 3 pesos, pero ung malapit sa bahay namin 2 pesos lang. hindi ko alam kung bakit nauso, tinalo pa ang fishball, pati nga yung mga nagbebenta ng fishball e nag switch na ng business, nagtitinda narin ng kalamares. gusto ko talagang kumain nun, unfortunately ayaw ni albert. lagi nya sinasabi "bulok daw na pusit yun".. pero naalala ko one time kumain naman sya nun.. hmm.. ang labo! so yun, dahil di ko naman sya kasama, bumili ako ng 8 pcs na kwek kwek (pugong may orange na balot na harina), 1 pc kwek kwek na malaki (penoy na may orange na balot din) at 4 pcs kalamares with sukang spicy at hindi for take out (wow sosyal! haha!).

pagdating ko sa bahay nila at inabot ang plastic, sabi ba naman "yuck, kalamares? ikaw kakain nito ha?" o diba? ganyan kaarte yabby ko.. hehe.. medyo pikon na ko nung time na yun kasi di nya ko nasundo dahil sa late na suncellular na yan! pero mas napikon pa ko nung narinig ko yun.. so sabi ko "talaga, wag kang kakain", so deretso naman sya sa kitchen para isalin. yoko na magsalita at kain lang ako ng kain, at kung ano ano pang sinasabi, na kesyo madumi daw, na sinabi ng wag ng bibili, tinapak tapakan daw, maitim na daw yung mantika.. ek ek.. bawat salita nya kain lang ako pati suka di ko pinatawad, muntik ko narin maubos! hay! yoko na bumili ulit ng kalamares sa kalye, for sure pag aawayan na naman namin yun.. pero bati na kame :D kasi naman after ko maubos, nahilo ako. hindi ko alam kung dahil ba yun sa kalamares o tumaas ang alta presyon ko sa asar sa kanya. kaya ayun, nasermunan ulit ako.. well, ganun talaga.. basta yoko na bumili ulit nun kalamares na tinitinda sa kalye.. yoko na! *sigh*

3 comments:

Jey & Allan said...

shet! nainggit naman ako!!!!! meron na rin yan nung anjan pa kami. amuy pa nga lng sisinghutin at hahanapin mo na. ayan natakam tuloy ako! mei bilihan naman ng calamare dito. masarap din at maanghang khit wla suka. pero mas malasa pusit jan sa atin. :( kaya mas gusto ko pa din ung pusit jan.
inggit lang yang si match2 :P
pero tol hinay2 ka lang sa seafoods at suka. cguro naman naaalala mo pa si rico yan. hehehe (nanakot eh nuh?) at yung suka nakakanipis ng bituka yan at enamel sa ngipin kya nagdidilaw. ayan doctor na din ako. hehehe.

Jey & Allan said...

bakit hindi clikable ung my creative mo?

raSeL said...

haha! sinabi mo pa! ang bango diba? hehe.. di na ulit ako iinom ng suka :(