..minsan may mga nangyayari satin na hindi natin alam o bakit hindi natin maintindihan (siguro nga kasi ayaw nating intindihin.. pero paano naman natin maiintindihan kung walang tutulong sa ating umintindi?)
malungkot ako ngaung araw na to.. kahit pinipilit kong ngumiti.. maya maya.. hala ayan, tumutulo na naman ang aking luha... sayang.. pero di ko mapigilan..
nagtatanong din ako sa sarili ko kung bakit ko nararamdaman yung mga bagay na yun.. pero malamang hindi ako makatanggap ng magandang sagot.. anyway.. hindi ko talaga alam kung bakit.
basta may masakit akong nararamdaman.. hindi ko lang alam kung ano talaga.. kung utak ko o puso ko.. para kasing utak ko dahil sa pakikipagtitigan sa boyfriend ko sa office... (oopppsss.. mali iniisip mo! computer ko po..) or pwede ring puso ko dahil sya ang nagtutulak kay luha na lumabas.. kasi may kumukurot.. ouch!
hindi ko alam kung bakit kahit inaantok ako, kapag tumungo na hindi na ko makatulog.. (ang labo noh?)
hindi ko rin maiintindihan, kung bakit hindi sila nagsasawang mang asar everytime na nakikita nila ko, ang matindi kahit hindi nila ko nakikita eh ganun parin.. hay ang mga baraku guys nga talaga.. pagpasensyahan nalang..
bakit ba kasi may ganitong feeling? haay.. ang labo ko noh?.. pero kaya nga siguro hindi ko alam dahil ayaw kong intindihan.. bakit nga ba hindi ko maintindihan? dahil hindi ko alam..
kaw, minsan ba hindi mo rin alam kung bakit hindi mo maintindihan sarili mo?.. siguro naman hindi ako nag iisa.. ano ko "the others"? wag naman sana...
Saturday, August 05, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
hahahaha...
try mo kaya makipagkaibigan sa iba? at ung barako boys, naku... hayaan mo na. kulang lang talaga sa pansin mga yan. ganyan talaga mga loser. lol
kakatuwa blog mo. more!!! pls...
Post a Comment